‘Together Forever’ nina Julie Anne at Elmo mamamaalam na

MALAPIT nang mamaalam sa ere ang Saturday soap nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose, ang “Together Forever, kahit palaging No. 1 sa ratings game ang programa at hitik sa commercial kapag pinanonood. Talagang 13 weeks lang ipalalabas ito.

May nilalaan na namang bagong programa sa hottest love team ngayon ng GMA-7 na sina Elmo at Julie Anne na nag-hit sa movie na One Just Summer.

Ngayong Saturday ay abangan ang mga magaganap sa soap na tiyak na pakikiligin kayo dahil nagkatuluyan na sina Ely (Elmo Magalona) at Toyang (Julie Ann San Jose).

First boyfriend ni Toyang si Ely at dahil sa sobrang sweetness ng binata, feeling ni Toyang ay kailangan na rin niyang mag-effort nang todo-todo para sa boyfriend niya. Ang kaso, parang lahat na lang ng ginagawa niya, pumapalpak.

Samantala, si Jasmine (Janine Gutierrez) naman ngayon ang maghahabol kay Ben (Benedict Campos) matapos nitong malaman ang ginawa nilang pagpapanggap ni Cholo (Steven Silva).

Together forever na kaya sina Ely at Toyang? Paano kung malaman ni Toyang ang sikreto kung paano namatay ang parents ni Ely? Willing pa ba si Ben makipagbalikan kay Jasmine ngayong feeling niya ay niloko siya nito?

***

Manny Pacquiao, matagal nang inaantay ng Pinoy fans na mag-show sa iba’t ibang panig ng daigdig

MATAGAL nang inaantay si Pambansang Kamao Cong. Manny Pacquiao ng mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng Mundo. Pero talagang tanging sa nakatakdang show sa Sept. 16 sa Hollywood gagawin ang natanguan ni Manny para sa programa niyang Many Manny Prizes.

Pero ngayong Sunday pagkatapos ng Party Pilipinas, patuloy pa ring mamimigay si Manny ng milyong piso bilang premyo at pabuya sa mga taong masugid na sumusubaybay ng programa sa TV o sa live audience. Si Manny na ngayon ang pinakamabait na TV host pagdating sa pagbibigay ng premyo sa kanyang mga tagasubaybay.

000

Batibot ng TV5 Kids, Season 4 na!

NASA ika-apat na season na ang pinakapaboritong programa ng mga bata – ang Batibot sa TV5 Kids. Kasabay nito ang pagpasok ng mga pinakabago nating mga kaibigang sina Koko Kwik Kwak, Pawi, Tikky, Kara, Rema, Lila, Tami at Ambak at Dakon Palaka.

Ilan sa mga ito ay binase mula sa mga bagong-tuklas na animal species sa iba’t ibang parte ng bansa. Hindi lang nila sasamahan ang mga bata sa paghahatid ng kakaibang saya at malawak na kaalaman. Tuturuan rin nila ang buong pamilya ng tamang pag-aalaga sa kapaligiran at pagkalinga sa mga hayop.

Ayon sa executive producer at educator na si Feny Delos Angeles-Bautista, ang bagong season na ito ng Batibot ay may kakaibang ihahandog sa mga bata pati na rin sa mga child-at-heart. “Taglay ng mga bagong karakter ng Batibot ang iba’t ibang katangian at personalidad,” sabi niya.

“Ang mga episodes ng Batibot ay naaayon sa bagong national curriculum na inihanda ng Department of Education para sa mga nasa kindergarten at sa early childhood programs ng Department of Social Welfare and Development. Tumutukoy ito sa kakayanan ng mga bata na matuto mula sa kani-kanilang learning experiences sa tahanan at sa paaralan at dahil rin sa panonood ng Batibot, mas nagiging handa ang mga ito sa kanilang pagpasok sa eskuwela at pakikihalubilo sa ibang tao.”

Maliban sa mga bagong Batibot barkada, dapat ring abangan ang mga feature themes katulad ng pag-iingat sa tahanan, sa komunidad at isang espesyal na episode tungkol sa water safety. Ito ay upang maiwasan ng mga bata ang mga aksidente na kadalasang sanhi ng kamatayan at injury sa bansa. Abangan ang Batibot Season 4 tuwing Sabado at five-minute shorts Lunes hanggang Biyernes, 8:30-9:00 ng umaga sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply