Tomboy nag-amok sa Davao, 3 patay

PATAY ang isang bata at dalawang matanda, habang dalawa pa ang sugatan nang pagsasaksakin ng isang tomboy sa Davao City gamit ang isang kitchen knife.

Kinilala ang mga biktima na sina Teodora Lilok, 74; Fidel Lilok, 75, at ang 2-anyos na si Christian Mark Campano.

Sugatan naman sina Christine Mae Campano, 11, at Kathleen Campano, 1 habang ang suspek ay kinilalang si Marivic Lilok, 22.

Sa imbestigasyon, nabatid na nag-amok ang suspek makaraang hiwalayan ng kanyang nobya at inaming nawala sa sarili kaya nagawa niya ang krimen.

Inaresto naman ang suspek na hawak na ngayon ng Sasa police station kasama ang kutsilyo na ginamit sa krimen.

Ang suspek ay nabatid na criminology student.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply