Tone-toneladang bigas mula Vietnam, nasabat

ISA na namang kaso ng malakihang pagpupuslit ng bigas ang binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) Bicol at Bureau of Custons (BOC) sa Legaspi.

Ayon sa report, hinihinalang ang nasabing cargo vessel ay may lamang 94,000 sako ng smuggled na bigas mula Vietnam.

Hinarang ng mga awtoridad ang MV Minh Tuan 68 matapos makatanggap ng impormasyon ang PCG mula sa BOC na hindi dokumentado ang karga ng nasabing barko.

Dapat umano ay sa Palawan ito dadaong sa halip na sa Legaspi.

Walang nakitang bigas sa nasabing barko ngunit nakasaad umano sa manifesto ang 94,000 sako ng bigas.

Lulan din ng barko ang 16 Vietnamese crew.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply