Top NPA leader arestado, 2 tauhan patay sa engkuwentro

ARESTADO ang isang mataas na lider ng New Peoples Army habang  dalawang kasapi ng kilusan ang napaslang kasunod ng engkwentro sa isang platoon ng militar sa Zone 7, Barangay San Vicente Norte, Iriga City.

Sa nakalap na impormasyon, alas-4:30 kanina nang magresponde ang mga tauhan ng 42nd IB Philippine Army sa report na may armadong grupo ang nangongolekta ng revolutionary tax sa lugar.

Dalawa ang binawian ng buhay habang isa ang sugatan sa limang minutong palitan ng putok.

Kinilala ang mga namatay sa alias na Ka Jess at Ka Tony, habang sugatan si Edgardo Sevilla na miyembro ng Executive Committe 89 na may base sa Albay at nahaharap sa dalawang standing warrant of arrest.

Narekober ng militar sa lugar ang 9mm Beretta na may serial number M115B1Z ; caliber .45; hand grenade at single motorcycle.

Ang mga napatay na rebelde ay dinala sa isang funeral parlor, habang si Sevilla ay naka-confine sa Bicol Medical Center dahil sa tama ng bala sa kanang paa.

Naisilbi na rin sa kanya ang warrant of arrest sa 2 counts of murder na inisyu ng Branch 13 Ligao RTC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply