‘Torture couple’ handang makipag-ayos kay Baran

INILALATAG ng abogado ng “torture couple” ang pakikipag-ayos o pagkakasa ng amicable settlements sa dating kasambahay ng kanyang mga kliyente na si Bonita Baran.

Sa isang panayam, sinabi ni lawyer Joel Ferrer na bukas siya para isuhestiyon sa kanyang kliyenteng sina Reynold at Analiza Marzan, ang pagpasok sa isang kasunduan kay Baran.

“Kung si Bonita naman po ay willing, open for a peaceful formula on this case, siguro ako na mismo ang magsasabi sa kliyente ko…,” pahayag ni Ferrer.

Nitong unang araw lamang ng linggo, lumutang ang mag-asawang Marzan para idepensa ang kanilang sarili sa alegasyon ni Baran.

Nabulag ang kanang mata ni Baran sanhi ng paulit-ulit na pagsapok ni Mrs. Marzan.

Sinabi rin ni Baran na sinusuntok din siya sa ulo ng kanyang amo na babae at pinilit na pakainin ng patay na ipis.

Gayunman,  sa Senate hearing nitong nakaraang Miyerkules lamang, sinabi ng mag-asawang Marzan na ang mga tinamong kapansanan ni Baran ay kagagawan mismo nito o self-inflicted.

Nahaharap pa rin ang mag-asawang Marzan ng illegal detention raps sa Quezon City Regional Trial Court.

Mula naman sa detention cell sa Senado ay nailipat na si Analiza sa Camp Karingal habang ang mister nitong si Reynold ay nasa Quezon City Jail.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply