Torture couple, hiwalay na ikukulong sa city jail, Karingal

MATAPOS makulong ng dalawang gabi sa Senado, pinakawalan na rin ang mag-asawang Analiza at Reynold Marzan matapos ang pagdinig ng Senate committee on labor, employment and human resources development  kaugnay ng kontrobersyal na pambubogbog sa katulong na si Bonita Baran.

Ayon kay Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada, chairman ng nasabing komite na itu-turnover na nila ang mag-asawa sa korte.

Si Reynold ay ikukulong sa Quezon City Jail, habang si Analiza ay sa Camp Karingal.

Nabatid na may warrant of arrest ang dalawa sa Quezon City RTC bunsod ng kasong serious illegal detention na walang pyansa  dahil sa pagmamalupit sa katulong na si Bonita.

Kasabay nito, hihilingin din ng Senado sa korte na pansamantalang pakawalan ang mag-asawa sa oras na magkaroon ng pagdinig ang komite upang maladalo sa imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply