Torture couple ng QC, nakakulong pa sa Senado

HINDI pumayag si Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na i-turn over sa Quezon City Regional Trial Court ang mag-asawang tinutukoy na nagmalupit na ikanabulag ng isang kasambahay  dahil may panibagong ebidensiya sa kalupitan nito.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate committee on labor and employment sa pamumuno ni Estrada, madiing pinabulaanan nina Annaliza at Reynold Marzan ang akusasyon ni Bonita Baran, 21 taong gulang na kasmbahay mula sa Virac, Catanduanes.

Sa ngayon, nakakulong ang dalawa sa isang kuwarto sa Senado base sa warrant of arrest na ipinalabas ng Senado dahil patuloy na hindi dumadalo sa pagdinig. May hiwalay na warrant of arrest ang ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court laban sa mag-asawa sa kasong serous illegal detention and serious physical injuries.

Ayon kay Estrada, mananatiling nakakulong ang mag-asawa dahil may video clipping na napasakamay ng kanyang tanggapan hinggil sa aktuwal na pagmamalupit ni Annaliza sa ibang katulong na nakunan ng video footage.

“There is a video clipping which was sent to my office regarding Annaliza torturing and maltreating another kasambahay before Bonita,” ayon kay Estrada.

Sinabi ni Estrada na kanyang pupulungin ang miyembro ng komite upang mapag-usapan kung ibibigay na ang mag-asawang Marzan sa korte pero kung makukumbinsi siya ng makatotohanan ang video clippings, magsasagawa ulit siya ng pagdinig sa linggong ito.

“If I am convinced that she maltreated another kasambahay, i will personally recommend for their continued detention and call another hearing within the week,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply