Total ban sa non-educational trips pinag-aaralan

MASUSING pinag-aaralan ngayon ng Department of Education (DepEd) ang posibleng implementasyon ng total ban sa pagsasagawa ng out-of-town non-educational field trips.

Ang total ban ay kasunod ng pagkamatay ng dalawang international school students na nalunod habang naliligo sa isang talon sa Sitio Canauan, Morong, Bataan.

Ayon sa pahayag ni DepEd Assistant Secretary for Legal and Legislative Affairs Atty. Tonisito Umali na batay sa umiiral nilang polisiya ukol sa educational field trips, hindi nila pinapayagan ang pagsasagawa ng non-educational field trips sa mga paaralan.

Ayon pa kay Umali, mag-iisyu sila nang malinaw na guidelines kung anong uri lamang ng field trips ang kanilang papayagan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply