Total log ban sa CDO, Surigao del Sur aprub na

PORMALIDAD na lamang sa plenaryo ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang tuluyan nang maisabatas ang total log ban sa Cagayan de Oro City at Surigao del Sur matapos aprubahan ng cicameral conference ang panukalang batas kamakailan.

Ayon sa tanggapan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, inaprub sa bicameral conference committee ang House Bill No. 1063 at 4711 na nagpapataw ng total logging ban sa nasasakupan ng Cagayan de Oro City at ikalawang distrito ng Surigao del Sur.

Sinabi ng batas na ipinagbabawal ang lahat ng proseso, pagtatrabaho o pagnenegosyo sa pagputol ng puno sa kadahilanang komersiyal.

Pinayagan naman ng batas na pumutol ng puno sa pampubliko at pampribadong lugar kung may relasyon ito sa proyektong pamahalaan at paghahatid ng pangunahing serbisyo tulad ng enerhiya at power development, public work o pasilidad ng patubig.

Sinabi pa ng batas na kailangan sumunnod ang lahat ng pamamaraan ng pagputol ng puno sa umiiral na batas pangkagubatgan at pangkapaligiran tulad ng Presidential Decreee 705 na kilala bilang Revised Forestry Code of the Philippines na inamyendahan ng PD No. 1586 o kilala sa “Environmental Impact Statement System.”

Sa total log ban sa CDO, ang sinumang lalabag sa batas ay papatawan ng pagkakakulong na anim na taon pero hindi lalampas ng 12 taon at multang P100,000 at hindi hihigit sa P500,000.

Kung asosasyon, grupo o kompanya ang lumabag, papanagutin dito ang pinuno ng naturang kompanya, grupo o asosasyon, kung dayuhang kompanya o grupo ang nagkasala, papanagutin dito ang kinatawan nito sa Pilipinas.

Walang penalty provision sa Surigao Del Sur, ngunit itinakda naman ang parusa alinsunod sa umiiral na batas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply