TOUR DE TAKONG a.k.a. Stilleto Race

INAANYAYAHAN ni Mayor Del De Guzman ang lahat ng kababaihan na makitakbo sa gaganaping “Tour De Takong” (a.k.a. Stiletto Race) sa darating na ika-16 ng Nobyembre.

Bukas ang nasabing paligsahan sa lahat ng kababaihang may edad 18 pataas, Filipino citizen, at kahit hindi taga-Marikina. Gaganapin ito sa kahabaan ng Shoe Avenue mula Teatro Marikina hanggang Cityhood Park. Tinatayang nasa 500 metro ang haba ng tatakbuhin ng mga kalahok.

Ang nasabing paligsahan ay kaugnay ng pagdiriwang ng lungsod ng Sapatos Festival 2012 na naglalayong mapaunlad muli ang industriya ng sapatos sa Marikina. Magbubukas ang pagpapatala ara sa “Tour de Takong” sa susunod na buwan.

Para sa mga nais magpatala, mangyaring makipag-ugnayan sa Sapatos Festival Secretariat sa telepono bilang (02) 496-2759. www.remate.ph

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply