Trak nabalaho: 1 patay, 10 sugatan

PATAY ang isa habang 10 ang sugatan makaraang maaksidente ang sinasakyan nilang trak ng city government sa Barangay Salvacion sa lungsod ng Tacloban.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Rogelio Yu, 65, residente ng Tacloban City habang sugatan naman ang 10 iba  kasama ang driver na si Elmer Bael, 42, ng Pampanggo, Tacloban City.

Napag-alaman pang mga job order employee ng city government ang mga biktima na papauwi na sana mula sa Sitio Soliman Brgy. Salvacion nang mabalaho sa kanal ang sasakyan.

Kasalukuyan pa ring nakaratay ang 10 sugatan sa ospital habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply