Trak sumirko, 27 makikipaglibing sugatan

TINATAYANG 27 ang sugatan na sana’y makikipaglibing makaraang sumirko ang sinasakyan nilang trak sa  Lauan, Antique.

Ayon kay  Mayor Aser Baladjay, masuwerte namang walang nasawi sa naturang aksidente.

Nabatid na makikipaglibing lang sana ang mga biktima nang masira ang preno ng sinasakyan nilang trak na nagresulta ng pagbaliktad nito.

Nagkaroon ng mga gasgas, bali at sugat ang mga biktima na patuloy pa ring inoobserbahan ng lokal na pamahalaan ang lagay ng mga ito sa isang ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply