Trak, van nagsalpukan sa Zamboanga City

TINATAYANG 10 katao ang nasugatan kabilang na ang ilang kritikal na kondisyon makaraang magbanggan ang isang truck at van sa may highway ng Barangay Curuan sa Zamboanga City.

Nabatid na pawang nakasakay ang mga sugatan sa isang L300 van na minamaneho ni Edwin Sierra.

Base sa inisyal na imbestigasyon lumampas sa kabilang lane ng kalsada ang van kaya sinalpok ito ng nakasalubong na truck na kumakarga ng mga tangke ng LPG na nimamaneho naman ng isang Ernie Tamparong.

Ilan sa mga biktima ang nasa kritikal ngayon ang kondisyon dahil sa mga grabeng sugat na tinamo ng mga ito sa naturang aksidente at naka-confine ngayon sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC).

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply