Tigil pasada ibinabala vs oil price hikes

NADISMAYA sa pagkakatuklas na walang nakitang iregularidad ang isang independent group sa ikinasang oil price adjustments, nagbanta kaninang umaga ang isang militant transport group ng transport strike para iprotesta ang patuloy na fuel price hikes.

Sinabi ni Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) secretary-general George San Mateo na ang pagaaklas ay maaring ikasa sa huling bahagi ng Setyembre o sa unang bahagi ng Oktubre.

“Nagbigay kami ng babala na kung ang pagtaas tuloy mangyari at mag-spillover ito sa September, mapipilitan tayo gumawa ng tigil-pasada,” pahayag ni San Mateo.

Binatikos ni San Mateo ang pagsasaliksik ng Independent Oil Price Review Committee (IOPRC) na walang nakitang iregularidad sa ikinasang oil price hikes kamakailan lamang.

“Walang matinong Pilipino na naniniwala sa sinabi nila,” pahayag ni San Mateo.

Samantala, nangako naman ang militant groups na magkakasa sila ng sariling pag-aaral sa epekto ng oil deregulation policy ng pamahalaan.

Kinuwestiyon ng Coalition Against Oil Price Increases (Caopi) ang report ng IOPRC, isang panel na binuo ng Department of Energy (DOE) na walang nakikitang iregularidad sa fuel price hikes kamakailan.

Sa parte ng Bayan na kasapi ng Caopi, nagsagawa sila ng protesta sa DOE sa Taguig City kaninang umaga para i- denounce ang ulat at hiniling na ang Oil Deregulation Law ay kailangan ma-repealed.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply