Tricycle driver patay sa 2 kainuman

TODAS ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang kainuman nang magkakulitan sa Caloocan City kagabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rampino Radanton, 44, ng Bagumbong ng lungsod.

Nadakip naman si Jonathan Dantos, 41, habang nakatakas ang hindi pa kilalang kasama at mga kalugar ng biktima.

Nabatid na hapon pa lang ay kainuman na ng biktima ang mga suspek at pagsapit ng dakong alas-10 ay nagkakulitan.

Umuwi ang mga suspek at makalipas ng ilang sandali ay umuwi na rin ang biktima subalit hindi pa nakakapasok ng bahay ay sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ang nasawi.

Nadakip si Dantos ng mga rumespondeng mga pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply