Tricycle driver tinambangan, todas

DEDBOL ang isang tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa 10th Avenue at Baltazar Bukid Barangay 70 Caloocan City, kagabi.

Mismong sa minamanehong tricycle namatay si Freddie Figueroa, 33, may-asawa, ng Baltazar St., Caloocan sanhi ng mga tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:55 ng gabi papagarahe na sana ang biktima sa kanilang bahay ngunit pagdating sa kanto ng 10th Avenue at Baltazar Bukid ay isang babae ang sumigaw na “Kuya Dodong, Mag-ingat kayo.”

Huminto ang biktima at hinintay na makalapit ang babae subalit sinamantala ng mga suspek ang pagtigil ng biktima at mabilis na lumapit at pinagbabaril si Figueroa.

Pagkatapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang dalawang suspek na sumakay sa naghihintay na puting van na hindi naplakahan, patungong Grace Park ng nasabing lungsod.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply