Trike driver binoga sa Pasay City, dedo

NAMATAY ang isang tricycle driver makaraang barilin ng ‘di pa kilalalng suspek habang naghihintay ng pasahero, kagabi sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Mario Castor, 45 anyos binata residente ng no.540 Pinagbarilan  St., Brgy.153 Zone-16 ng naturang lungsod.

Naging palaisipan sa mga awtoridad kung ano ang motibo at kung sino ang suspek na bumaril sa biktima na naghihintay lamang ng pasahero sa kanyang minamanehong tricycle sa Zamora St., Pasay City.

Ayon kay SPO1 Simeon Respicio ng Station Investigation Detective Management Section(SIDMS) ng 1 Pasay City Police, nagsasagawa na ng masusing pagsisiyasat at pinaghahanap na ang suspek na bumaril sa suspek.

Batay sa ulat, ang biktima ay nilapitan ng isang lalaking armado dakong 9:30 kagabi at barilin sa harapan ng Summit Steel Trading Building na matatagpuan sa 858 Zamora St. ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa tatay ng biktima na si Mario Castor Sr., wala umano siyang nalalaman na may kaaway ang kanyang anak at wala rin umano itong record sa pulisya  at ang ipinagtataka nito ay bakit binaril ang kanyang anak na naghihintay lamang ng pasahero sa naturang lugar.

Malaki ang posibilidad ng awtoridad na napagkamalan lamang ng suspek ang biktima, kaya binaril ito ng suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply