Trillanes, Del Rosario binusalan ni PNoy

BINUSALAN ni Pangulong Aquino sina Senador  Antonio Trillanes at Foreign Affairs  Sec. Albert del Rosario kaugnay sa isyu ng  “backroom talks” sa China hinggil sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Kapwa sinabihan ng Pangulo ang dalawa na huwag magsasalita hinggil sa usaping nabanggit, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Binigyang diin ni Sec. Lacierda na ang Pangulong Aquino pa rin ang siyang chief policy maker ng bansa at ang posisyon ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ay nakabatay sa foreign policy.

Samantala, sa pagpasok ni Trillanes sa isyu ng pagplantsa ng Scarborough Shoal ay nananatili pa rin ang “trust and confidence” ng Punong Ehekutibo kay Sec. del Rosario.

Ayon kay Lacierda, nag-boluntaryo si Trillanes kay Aquino na siyang magsagawa ng “backroom talks” sa China sa isyu ng Scarborough Shoal o Panatag Shoal.

Pinagbigyan ng Malakanyang si Trillanes dahil “open” naman ang Pangulong Aquino sa lahat ng options na makakatulong sa problemang ito.

Aniya, wala namang ibinigay na detalye sa kanya ang Pangulong Aquino sa kung ano ang dahilan ng pagpayag ni Pangulong Aquino na pangunahan ng senador ang backroom talks.

Nauna rito, ikinatuwa naman ng Malakanyang ang mga “minor gains” na napagtagumpayan ng mambabatas.

Palasyo pumalag

Pinalagan ng Malakanyang ang ulat na binigyan ni Pangulong Benigno Aquino III ng tsansa si Trillanes na  pangunahan ang backroom talks dahil “guest candidate” ito ng Liberal Party at ng coalition na sasabak sa 2013 elections.

“No, hindi ano ‘yan. That’s totally not related to him being our guest candidate or an NP candidate and the coalition,” ayon sa opisyal.

Sinabi nito na hindi naging basehan ni Pangulong Aquino ang pagiging re-electionist ni Trillanes para paangatin ang popularidad nito at pabanguhin ang pangalan dahil kasama ang senador sa senatorial slate ng administration party.

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Sec. Lacierda na hindi na-bypass si DFA Sec. Alberto del Rosario sa pangunguna ni Trillanes sa back-channeling talks  sa isyu ng Panatag Shoal.

Sa katunayan ay nag-usap sina Pangulong Aquino at Sec. Del Rosario sa bagay na ito. Iyon nga lamang ay wala siyang ideya kung ano ang napag-usapan ng mga ito.

“The President didn’t discuss with us the details,” ani Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply