Trillanes-Enrile feud, NP walang kinalaman – Villar

NILINAW ni Sen. Manny Villar na walang kinalaman ang Nacionalista Party (NP) sa pag-upak ni Sen. Antonio Trillanes IV kay Senate President Juan Ponce Enrile hinggil sa pambabrasong maipasa ang panukalang hatiin ang Camarines Sur.

Sa panayam sa ginanap na proklamasyon ng Partido Magdalo at Lakas-CMD sa Island Cove and Leisure Park, Kawit, sinabi ni Villar na “silang dalawa lamang ni Enrile” ang nagbabangayan dahil magkaiba ang kanilang prinsipyo at paniniwala.

Iginiit pa ni Villar, pangulo ng NP, ang partidong kinaaaniban ni Trillanes, na personal ang iringan ng dalawang seandor kaya hindi maaaring “maki-alam” ang kanilang grupo.

“Kami naman sa partido bagaman kasama namin sya ay hindi nakikialam doon and we respect that in the same manner na iginagalang ko ang pananaw ni pangulong Enrile. Walang epekto sa coalition,” ayon kay Villar.

Nabatid na nabanggit mismo ni Trillanes na si Villar ang isa sa maaring ipapalit kay Enrile sa oras na masibak ito sa pwesto bilang pangulo ng Senado.

Pero kay Villar wala siyang kinalaman sa iringan ng dalawang senador.

Si Sen. Franklin Drilon na isa rin sa binanggit ni Trillanes na maaring ipapalit kay Enrile ay todo iwas din sa bangayan ng dalawang mambabatas.

Nauna nang sinabi ni Trillanes na binabraso ni Enrile na maipasa ang panukalang hatiin ang lalawigan ng Camarines Sur upang mapagbigyan ng kahilingan ni Rep. Louie Villafuerte na makabuo ng panibagong lugar na kanyang pamumunuan matapos makipag-away sa anak nitong si CamSur Gov. ElRay Villafuerte.

“Hindi naman puwedeng magpasa tayo ng panukalang batas upang mapagbigyan lamang ang pulitikal interes ng isang tao,” ayon kay Trillanes na tumutukoy kay Rep. Villafuerte.

Bukod dito, sinabi ni Trillanes na tinawagan umano ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Enrile upang maipasa kaagad ang panukalang hatiin ang CamSur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply