JPE: Trillanes maaaring kasuhan ng ‘espionage’

NAKATITIYAK si Senate President Juan Ponce Enrile na maaaring kasuhan si Sen. Antonio Trillanes IV ng espionage of paglabag sa Anti-Espionage Law dahil sa pagsusulong ng interes ng China at pakikipagtulungan sa military intelligence ng Beijing.

Ayon kay Enrile, hindi maaaring kasuhan si Trillanes ng treason o pagtataksil sa bayan dahil wala namang naganap na giyera sa pagitan ng China at Pilipinas, ngunit may nangyaring pag-eespiya sa kalaban ng bansa.

“Wala namang treason, pero we have a Espionage Law,” ayon kay Enrile.

Magugunitang inakusahan ni Enrile si Trillanes na may ugnayan sa Chinese military intelligence unit kaya’t labas pasok ito sa bansang China para sa back channeling talks kaugnay ng gusot sa West Philippine Sea.

Samantala, dumistansya si Enrile na makialam sa asuntong inihain laban kay Trillanes sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Enrile, bahala na ang Senate ethics committee sa inihaing reklamo ni Atty Oliver Lozano laban kay Trillanes at hindi siya makikialam dito bagama’t maaaring titingnan umano ng komite ang disorderly behavior ng senador.

Magugunitang naghain ng reklamo sa Senado si Lozano kung saan pinaiimbestigahan nito sa kapulungan ang umano’y pagtataksil sa bansa ni Trillanes dahil sa pagsusulong ng interest ng China tulad ng akusasyon ni Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply