Trillanes pinatatahimik nina Sotto, Estrada

IBINUKING ni Sen. Antonio Trillanes na sina Senate Majority Leader Tito Sotto at Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang utak para mapabilis ang pagpasa sa kontrobersiyal na House Bill 4820, ang panukalang batas na naglalayong hatiin ang Camarines Sur.

Ani Trillanes, taliwas sa ginawang pagtanggi ng kanyang kapwa mga senador hinggil sa “pressure” para maipasa ang panukala, mismong sina Sotto at Estrada aniya ang tumawag sa kanya para tumahimik na.

“Tinawagan nga nila ako noong Lunes, last week, para lang i-withdraw ang aking reservation for interpellations, para aprubahan na nila. Sina Senator Sotto at Senator Jinggoy Estrada, so, paano nila sasabihin na walang pressure, hindi minamadali eh, iyon yun eh. Ako nga mismo ang tinatawagan nila,” pagbubunyag ng mambabatas.

Maalala na sa kanyang privileged speech sa plenaryo, hayagang inakusahan ni Trillanes si Senate President Juan Ponce Enrile na naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang nasabing talumpati ni Trillanes ang pinag-ugatan ng mainit na bangayan ng dalawang mambabatas.

Muling ring pinatutsadahan ni Trillanes ang senate president.

Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso noong nakaraang linggo, nabigo ang mga senador na talakayin ang panukalang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply