Trillanes tatanggalan ng komite

WALANG magagawa si Sen. Antonio Trillanes IV kapag kumilos na ang birtud ni Senate President Juan Ponce Enrile sa kapangyarihan nitong tanggalan siya ng committee chairmanship at pagiging miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET).

Sa panayam ng radio nitong Biyernes, sinabi ni Enrile na maaaring tanggalin kay Trillanes ang oversight committee chairmanship kabilang ang pagiging miyembro nito sa SET dahil para lamang sa miyembro ng majority ang naturang posisyon.

“We can actually remove him from the SET because that position in SET is allotted to our group because for every four senators, we are entitled to one membership in the SET,” ayon kay Enrile.

Nitong Miyerkules, pormal na kumalas si Trillanes sa mayorya na siyang nagluklok kay Enrile bilang presidente ng Senado at sumanib sa grupo ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Enrile na tinatamasa ni Trillanes ang lahat ng benepisyo bilang miyembro ng mayorya kabilang ang chairmanship sa ilang permanent committee at nakaupo bilang miyembro ng Set.

“You see, he enjoys all the benefits of being in the majority but he is now in the minority. Kung ako siya, kung talagang magiging minority siya, dapat (bitawan nya ang committee), gawin nya iyon,” ayon kay Enrile.

Hinamon din ni Enrile si Trillanes na tularan siya noong 1987 nang maging minority leader na walang hinahawakang komite maliban na lamang bilang ex-officio member.

“Kagaya nung ginagawa ko nung ako ay minority sa Senate. I have no committee. Wala ako hinawakan na committee when I was in the minority in 1987. Kung gusto mo na maging tunay na minority at hindi magkukunwari lang dahil nga you are petulant o meron ka hinanakit na wala namang dahilan ay gawin mo yun,” aniya

“Principle ang pinaguusapan natin, hindi plastikan,” dagdag ng senate chief.

Sa ngayon, hinahawakan ni Trillanes bilang chairman ngSenate committee on civil service and government reorganization, amateur sports competitiveness, Select Oversight Committee on Government Procurement, at miyembro ng SET.

Ngunit, ayon naman kay Enrile, malamang iwan kay Trillanes ang Senate committee on civil service and government reorganization, ngunit babawiin ang chairman sa oversight.

“He can handle that. We will give it to him. We don’t want to appear petty pero yun oversight nya, perhaps we will consider that,” giit ni Enrile.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply