Tsansa ni Sec. Mar Roxas na linisin ang mga iligal

MAGANDANG pagkakataon para kay Sec. Mar Roxas ang pagiging kalihim ng  Department of the Interior and Local Government (DILG).

Hindi naman kaila sa lahat ang pangarap nito na maging Pangulo ng bansa kapalit ni PNoy sa 2016.

Katunayan, nasilat lang siya ni Vice President Jojo Binay noong halalan.

Kaya naman, ngayon pa lang ay diskarteng umaatikabo ang ginagawa nina VP Binay at Sec. Mar Roxas bilang preparasyon sa 2016.

Dahil sinoman sa kanila ang sumemplang sa kasalukuyang hawak na mga posisyon ay tiyak talo sa 2016!

Pero sa bagong posisyon ni Sec. Mar Roxas bilang Kalihim ng DILG ay medyo nakalalamang na ito kay Binay.

Dahil hawak niya ang lahat ng lokal na opisyal sa buong bansa na magiging epektibong armas para sa kanyang kandidatura sa darating na 2016.

‘Yan, parekoy, ay kung maipakita ni Sec. Mar Roxas na ngayon pa lang ay kaya niyang linisin ang mga iligal na gawain sa bawat LGU.

Pero kung makipagpatintero si Sec. Roxas sa local officials para makuha ang kanilang simpatiya ay tiyak na isusuka siya ng taumbayan!

Ginoong Sec. Mar Roxas, isampol mo na po ang mga iligal na sugal sa Caloocan City at Angeles City sa Pampanga.

-o0o-

CALOOCAN City, sa lantarang iligal na sugal nina Boy Edmund, Nancy kamote at ng pulis na si Wilson Cruz ay pangalan ni Marjorie Barretto ang kanilang ipinangangalandakan na siyang utak sa likod nito.

Kung anuman ang katoto-hanan sa pananahimik ni Hon. Barretto sa pagkakasangkot dito sa iligal na sugal ay siya lang ang nakakaalam!

Sa Angeles City naman, patuloy pa rin ang pananahi-mik ni Mayor Ed Pamintuan sa lantarang sugal ni Pares.

Ang “little mayor” at tu-matayong bagman sa sugal, putahan, quarry at illegal vendors na si Jess Eres ay patuloy na namamayagpag!

Sec. Roxas, sila po ang dapat isampol para mapatunayang seryoso ka nga!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang ALARMA-Kinse Trenta (Lunes-Biyernes, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775


Leave a Reply

*
Tannga ka Ms. Deniece Cornejo....... ubod ka kasi ...
nyahahahhahaha need na need kasi ng mga Lopes ang ...
ginagago na naman ang mga tao ng mga gong gong na ...
Korek!! lol!...
B.I. pa ba ito? Pinangalanan na yan at ang produce...
HAHAHAHAHAHA. ITSU PA LANG, MUKHANG LUKARET NA! KA...
Tama naman si Ridon. Nagmamaang maangan pa ang Mal...
She's Dating Gandanghari Jr.....hehehhe...
bakit lahat ng nakakasuhan ng gobyerno, naoospital...
Ba't kelangan ko pa bang ilabas ang pruweba eh gal...

BREAKING NEWS


© 2014 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.