Tsinay nadugo-dugo, halos P3-M alahas, cash natangay

UMAABOT sa halos P3 milyon halaga ng cash, alahas at mahahalagang dokumento ang natangay ng isang babaeng dugo-dugo sa negosyanteng Filipino-Chinese sa BInondo, Maynila.

Personal na nagtungo kahapon sa MPD- Crimes Against Property Investigation Section, ang biktimang Chanchan Cai, 31, may-asaw, residente ng Mandarin Square Building na matatagpuan sa No. 777 Ongpin St., Binondo, Maynila.

Inilarawan naman ang suspek na nasa edad na 40, may taas na 4”10, chubby at morena.

Sa imbestiagsyon ni PO3 Gordius Alumbro, dakong alas-12:00 ng tanghali kahapon nang tinawagan umano ng suspek ang kasambahay ng biktima na si Jessa May Malinog, at sinabing naaksidente ang kanyang amo at kinakailangan ng malaking halaga.

Inutusan ito ng suspek na kunin ang mga pera at alahas ng amo na nakalagay sa kanilang vault na agad namang sinunod ng kasambahay.

Sinabihan ng suspek si Malinog na magtungo sa Libertad LRT Station sa Pasay City upang doon sila magkita.

Nabatid na nagpatulong pa umano si Malinog sa sekyu ng Mandarin Square Building upang buhatin ang vault at sa kautusan ng suspek ay inilagay ito sa malaking kahon at binalutan ng tela bago isinakay sa tricycle.

Nang makuha ng suspek ang vault na naglalaman ng pera, alahas at mahahalagang dokumento ay sinabihan ang kasambahay na hintayin na lamang ang kanyang amo sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Tyempo namang maagang umuwi ng bahay ang among  lalaki  at nadiskubre na nawawala ang  kanilang vault kung saan duon lamang nalaman ng kasambahay na  nabiktima ito ng dugo-dugo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply