Tsismosong helper todas sa vendor

DAHIL lamang sa tsismis, pinagsasaksak hanggang sa napatay ang isang 62 anyos na helper ng  palengke ng isang vendor sa Paco, Maynila kagabi.
Dead on the spot ang biktimang si Jose Menes, may-asawa, ng 1942 F. Munoz St., Paco sanhi ng saksak sa katawan.
Arestado naman ang suspek na si Generoso Bernardino, 33, vendor ng 201 Sitio Wella. Merville, Paranaque City.
Sa report ni SPO1  Ramir Dimagiba ng Manla Police District (MPD)-homicide section, dakong 7:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa Pasilio 8 ng Paco, Markert sa Paco, Maynila.
Nauna dito, nakita ni Bernardino ang biktima na nagwawalis sa nasabing pasilio ng palengke kaya nilapitan nito at walang sabi-sabing pinagsasaksak gamit ang isang butcher knife na nagresulta sa  agarang kamatayan ng biktima.
Tinangka ng suspek na tumakas subalit mabilis na napalibutan ng mga barangay tanod kaya ito naaresto.
Nag-ugat ang insidente nang itsismis sa suspek ng isang kakilala na inaakusahan umano siya ng biktima na siya ay nagnanakaw ng mga tindang manok sa palengke.
Dagdag pa ng kaibigan ng suspek na pinaplano ng biktima na papatayin siya kung makita niya itong nalingat na nakatulog.
Dahil sa tsismis, inunahan ng suspek ang umano’y plano ng biktima.
loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply