Tulak ininguso, tiklo

ARESTADO ng mga tauhan ng Valenzuela police ang binata na hinhinalang drug pusher at pasaway sa kanilang lugar matapos itong inguso ng kanyang mga kapit-bahay sa kanyang illegal na gawain kaninang umaga sa Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Sec. 11 Art 11 R.A. 9165 at illegal possession of fire arms ang suspek na si Dominic Batin, 19,  ng No. 3060 Don Simeon St. Barangay Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 13 sachet ng shabu na umaabot sa 1.75 grams, isang (1) replica ng armalite at isang (1) cal. 22.na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 9:00 ng umaga ng isagawa ang pagsalakay mga pulis sa bahay ni Batin at nagtangka pa itong tumakas, pero nakorner ito sa labas ng kanyang bahay.

Nabatid kay P/Chief Inspector Noel Ramirez  hepe ng Station Investigation Unit ng Valenzuela police, nagtungo sa kanyang tanggapan ang kapit-bahay ni Batin at isinumbong ito dahil sa illegal na pagbebenta ng droga sa kanilang lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad sa pangunguna ni SPO2 Manny Griarte ng Follow-Up Division at mga tauhan ng SAID-SOTG. at nadakip ang nasabing pusher.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply