Tumangging maghatid ng pasahero utas sa saksak

TODAS ang isang taxi driver makaraang saksakin ng kanyang pasahero matapos tinanggihan nitong ihatid pauwi sa Sta. Barbara, Iloilo.

Nabatid na nagpahatid ang suspek na si Ronald Rapista, ng Monte-Magapa, Janiuay, Iloilo sa biktimang si  Romeo Hiladuga y Legaspi, taxi driver, ng Poblacion, Oton, Iloilo pauwi sa kanilang lugar mula sa dinaluhang fiesta sa Villa Arevalo, Iloilo City, subalit wala siyang pera kaya’t tinanggihan ito ng biktima na ihatid sa kanilang lugar sa Janiuay sa halip, hinatid lamang siya sa bayan ng Sta. Barbara.

Pagdating sa nabanggit na bayan, muling iginiit ng suspek sa driver na ihatid ito sa kanilang lugar subalit hindi na pumayag ang driver at itinulak umano siya nito palabas ng taxi at doon sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang 10 pulgada kutsilyo na tumama sa tiyan ni Romeo.

Kasalukuyang nakakulong si Ronald sa  Sta. Barbara Police Station.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply