Tumututol sa ilang probisyon ng cybercrime law dumarami

NADAGDAGAN na naman ang bilang ng mga petitioner na humihiling na mapahinto ang implementasyon ng Cybercrime law.

Ito ay matapos hilingin ni Senador Teofisto Guingona III sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary restraining order laban sa implementasyon ng kontrobersyal na Cybercrime Prevention Act of 2012 o cybercrime law.

Sa 39-pahinang petition for certiorari and prohibition with application for temporary restraining order, nais ng senador na ipawalang bisa ng SC ang mga kwestyunableng probisyon ng cyber crime law partikular na ang sections 4, 6, 7 at 19 nito dahil sa pagiging unconstitutional.

Hiniling rin ng senador na magtakda ng oral argument ang Korte Suprema upang mabigyan ng oportunidad ang mga kumukuwestyon sa batas na mailatag ng husto ang kanilang mga argument.

Layon din nitong mapigilan ang executive secretary, kalihim ng DOJ, kalihim ng DILG at PNP at NBI na maipatupad ang mga nabanggit na seksyon ng batas.

Dagdag pa nito na hindi makatwiran ang mas mabigat na parusa sa cybercrime law kaysa mga nagsusulat sa tradisyunal na media dahil sa mas mabigat na parusa na aabot sa 12 taong pagkabilanggo.

Labag rin umano ito sa double jeopardy principle na nakasaad sa 1987 Constitution.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply