Tusong mag-uuling pinugutan ng helper

DAHIL sa gulangan sa kita ng negosyo, isang mag-uuling ang pinugutan ng ulo ng kanyang katulong sa negosyo sa South Cotabato.

Kaninang alas 6 ng umaga lamang nadiskubre ang bangkay sa kubo ng biktima na si Marcelo Lamting Tulian, 45-anyos, residente ng Sitio Lambusong, Barangay Colonggolo Surallah, South Cotabato na hiwalay ang ang ulo sa katawan.

Sa follow-up operation, nahuli naman agad ang suspect na si Dizon Tiwalag Decan, 24-anyos, at inamin nito na siya ang pumatay kay Tulian.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pagitan ng alas 9 at alas 10 nitong Huwebes ng gabi sa loob ng kubo ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen ay nag-away ang mag-amo dahil sa hindi pagdeklara ng biktima sa tunay na kinita ng kanilang negosyo.

Dahil dito, sinabi ni Decan na nagdilim ang kanyang paningin at kinuha ang bolo na nakasabit sa dingding at saka pinugutan ng ulo ang biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply