Tutuban fire 33 oras na; 47 bumbero sugatan

UMABOT na sa mahigit na 33 oras ang nagaganap na sunog sa Cluster A ng Tutuban Mall sa Tondo, Maynila na nagsimula pa kahapon ng alas-12:40 ng madaling-araw habang 47 na ang naitatalang sugatang bumbero.

Nabatid na dakong alas-6:00 kanina nang lamunin ng apoy ang buong gusali habang inaasahan namang hindi na kakalat pa ang apoy.

Dahil sa naturang sunog, lumikas na rin ang mga residente sa katapat na condominium ng mall dahil sa kapal ng usok na lumalabas mula rito.

Samantala, inaasahan naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na madedeklara nang fire under control ang sunog mamayang tanghali.

Tinitingnang dahilan ng pagliyab ng apoy ay ang build-up ng init sa loob ng gusali.

Nabatid pa na kaninang madaling araw ay isa-isa nang nagbagsakan ang mga kahoy sa kisame at ceramic tiles ng gusali habang nananatili pa rin sa  Task Force Delta ang alarma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply