Tutuban mall nasusunog

NASUNOG ang ilang bahagi ng Cluster Tutuban Mall sa Divisoria ngayong umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Maynila, dakong ala 1:00 pa ng madaling araw nang magsimulang may lumabas na makapal na usok mula sa nasabing gusali.

Nabatid na mga tindahan ng damit o garment store ang nasa loob ng nasusunog na mall kung saan umabot na sa Task force Alpha.

Mabilis kumalat ang apoy na umabot na sa task force bravo o ikalimang alarma ngayong pasado alas 5:00 ng umaga.

Nahirapan namang apulahin ng mga bumbero ang sunog dahil hindi mapasok ang mga stole na nakapadlak.

Hindi pa rin matukoy sa ngayon kung saan nagmula ang sunog na pilit inaapula ng mga pamatay sunog.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply