TV network nalagay na naman sa kahihiyan

NALAGAY na naman sa kahihiyan ang dalawang talent ng TV network. Marahil ito na ang pinakagrabe sa lahat ng eskandalong nangyari sa kanila lalo na kung kumalat pa ang maselang video nila. Ayon sa isang kapatid namin sa panulat, kaya raw nitong talbugan ang kuflangan blues ng aktres at modelo na hanggang ngayon ay napapanood pa rin.

Matindi ang impact nito dahil menor de edad ang isa sa involve. Kung totoo ito, kailangan mahadlangan na ng network. Huwag silang tumutok sa pagkunsinti sa male talent nila dahil hindi ito makatutulong. Paghiwalayin na nila ang mga ito. At ‘yung nanay ay huwag nang magsasalita sa isyu.

Huwag sanang sanayin ng istasyon na ito na sa tuwing may nagagawang kabalahuraan ang mga talento nila ay lagi na lang nilang pinaghehele. Kagaya nung nagrereyna-reynahan kuno nilang aktres na lahat ay inaaway dahil sa sobrang pagka-adik sa boyfriend na aktor. ‘Yung isa naman ay may katsipang video rin. Hindi naman nila pinarusahan ang mga ito, pinagsabihan lang.

Nakalimutan yata ng network na ang anumang hindi magandang impresyon sa kanilang mga alaga eh, sila ang unang-unang tatamaan. Kaya dumausdos sila sa rating hanggang sa hindi na makahabol sa kalabang istasyon.

***

Komplikadong love triangle nina Toni, Luis at Vice

MAGSASANIB-PWERSA na sa kauna-unahang pagkakataon ang box-office trio ng Philippine comedy–box-office queen Toni Gonzaga, box-office Comedy leading man Luis Manzano, at box-office goddess Vice Ganda–sa pinakaaabangang comedy movie event of the year mula sa Star Cinema, ang “This Guy’s In Love With You, Mare” na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa October 10.

Sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas, tampok sa “This Guy’s In Love With You, Mare” ang complicated, unique, at nakaaaliw na love triangle story ng isang babae, ng isang lalaki, at ng isang nagpapakalalaki.

Kung kailan handa nang mag-move on si Lester (Vice) mula sa masaklap na break-up nila ng long-time boyfriend niyang si Mike (Luis), bigla niyang matutuklasan ang tunay na rason ng paghihiwalay nila—si Gemma (Toni), ang girlfriend ni Mike na malapit na niyang pakasalan.

Sa ngalan ng paghihiganti, kaya bang mag-transform ng isang mare bilang lalaking maton at paibigin ang girlfriend ng kanyang ex-boyfriend?

Bukod sa box-office trio nina Toni, Luis at Vice, bahagi rin ng “This Guy’s In Love With You Mare” sina Edgar Mortiz, Buboy Garovillo, Gladys Reyes, DJ Durano, Carla Estrada, Carla Martinez, at Ms. Tessie Tomas. Kasama rin sa pelikula sina Jayson Gainza, Eagle Riggs, Ricky Rivero, IC Mendoza, Dang Cruz, Cecil Paz, Manuel Chua, Ricci Chan, Lassy, Tess Antonio, at Edward Mendez.

Huwag palampasin ang pinakamaagang pamasko ng Star Cinema na tiyak magpapakilig at magpapahalakhak sa buong sambayanan ang “This Guy’s In Love With You, Mare” na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa October 1O, 2012.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “This Guy’s In Love With You, Mare,” mag- log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, mag-text sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maaari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply