TV5 isa-isa nang iniwanan nina Maricel, Lorna at Dina

NAUNA nang nabalita na nagbalik Kapamilya na si Maricel Soriano at kinumpirma na mismo ng mga taga ABS-CBN na nasa kanila na uli ang aktres. Right decision and right career move ang ginawang ito ng Diamond Star lalo pa’t hindi nanaman napansin ng publiko ang presence niya sa TV5 ni Mr. Manny Pangilinan.

After Maria, sumunod naman na umalis at nagpaalam na nang tuluyan sa Kapatid network ay si Lorna Tolentino na balik-Kapuso naman at gagawa ng teleserye kasama sina Dingdong Dantes at Kylie Padilla.

Lalayas na rin ang isa pang Kapatid talent na si Dina Bonieve at tulad ni LT, balik-GMA7 na rin ang aktres.

And how true? Kahit ang ating superstar na si Nora Aunor tinatapos na lang ang kontrata sa Kapatid at gagawa na ng teleserye sa ABS-CBN at movie with King of Teleserye Coco Martin sa Star Cinema.

Sa lahat, rito kay Ate Guy kami excited dahil sobrang nami-miss na namin siyang mapanood sa teleseryeng tulad ng Bituin nila ni Carol Banawa na nagtala noon ng pinakamataas na rating nationwide na umabot sa lampas 50%.

Even our nanay-nanayan Sharon Cuneta, bagamat pinanonood namin ang daily talk show nito sa TV 5 na Sharon Kasama Mo Kapatid, mas feel pa rin namin talagang napanonood siya sa Dos. Well, kanya-kanya tayo ng diskarte at ganyan na nga ang nangyayari.

Isa-isa nang nilalayasan ng kanilang mga artista ang istasyon ni MVP na for the record ay lugi na ng ilang bilyones at patuloy na nalulugi pa. Dat’s the unassailable facts gyud!

***

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo love team hindi pinagsasawaan ng publiko

HINDI lang may midas touch na hawak ang love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kundi talagang bagay ang dalawa at parehong mahusay sa kanilang field kaya naman for 10 years now ay hindi talaga pinagsasawaan ang kanilang labtim at lalo pa ngang nagiging mas popular.

Imagine, in five days time ay kumita na ng 100 million ang latest movie nina Lloydie at Bea na The Mistress with Ronaldo Valdez and comebacking multi-awarded actress Hilda Koronel.

At this week ay lampas 200 million na ang box office returns nito at posibleng abutin pa ng two weeks sa 200 cinemas nationwide at maaaing lampasan ang dalawang pelikulang No Other Woman at The Unkabogable Private Benjamin ni Vice Ganda na mga itinuturing na All Time High Grossing Films ng movie industry.

At dahil sa big success ng movie ay nagpa-thanksgiving party ang Star Cinema para pasalamatan ang lahat ng kanilang media supporters.

Dumalo sina Bea at direk Olive sa naturang thanksgiving.

Kwento pa ng ilang mga kaibigan naming nakapanood ng pelikula, mas maganda pa ang The Mistress sa naunang movie nina Bea at John Lloyd na One More Chance na humamig noon ng almost 200 million sa box office.

Saka nag-mature na talaga si Bea at naibigay talaga nito ang lahat ng kanyang best sa mga delicate scenes with her leading men Lloydie and tito Ronaldo Valdez na gumaganap na benefactor niya sa film. Hindi rin nagpakabog ang actress sa actingan with Ms. Hilda na peg na ng halos lahat nang mga actress natin.

Si John Lloyd naman, wala ng puwedeng komwestiyon sa galing at husay nito bilang actor plus, ang director ng The Mistress na si Inang Olive Lamasan ay marami na ring pruweba pagdating sa pagdi-direk ng mga ganitong uri ng pelikula.

Sino ba naman ang makalilimot sa obra ni direk Olive tulad ng Madrasta ni Sharon Cuneta, It Might Be You ni Bea, In The Name of Love with Aga Muhlach and Angel Locsin na nagkamit ng awards at parehong mga tumabo sa takilya.

Still showing pa rin ang The Mistress kaya watch na sa inyong mga favorite theater.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply