Two-tiered wage system ng DoLE, tinuligsa ng mga manggagawa

NAGPROTESTA ang daan-daang manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno o KMU sa tanggapan ng Department of Labor and Employment o DOLE kahapon laban sa two-tiered wage system.

Ayon sa grupo, isang wage cut ang gustong ipatupad ng DOLE sa bagong sistema ng pasahod dahil isasantabi nito pati na ang mababang minimum wage ng mga bagong manggagawa.

Karamihan ng mga manggagawang nagprotesta ay galing sa Timog Katagalugan kung saan unang ipinatupad ang two-tiered wage system.

Kaalinsabay nito, nangako ang KMU na magiging madalas ang kanilang pagkilos upang isulong ang 125 across the board wage increase para sa mga obrero.

Nanawagan ang KMU sa mamamayang Pilipino na samahan sila sa kanilang panawagan upang mai-angat ang kabuhayan ng karaniwang Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply