Typhoon Lawin lumakas pa, storm signals ibinaba

SA kabila ng patuloy na paglakas ng Typhoon “Lawin” (international name Jelawat), ibinaba na ng state weather bureau ang storm signals sa ilang parte ng bansa, ayon sa ulat kaninang umaga.

Huling namataan ang “Lawin” sa layong 405 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes, na may maximum sustained winds na 185 kph malapit sa sentro at pagbugo na aabot sa 220 kph, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kumikilos ito ng hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 7kph.

Itinuring ng US Joint Typhoon Warning Center ang Lawin na isang kalibreng super typhoon na may dalang panganib sa mga dadaanan na mga lugar dahil sa tindi ng dalang pagulan at malakas na pagbuga ng hangin.

Sa Martes ng umaga ang “Lawin” ay tinatayang nasa 640 km silangan ng  Infanta, Quezon; 530 km silangan ng f Tuguegarao City sa Miyerkules ng umaga at  430 km silangan ng Calayan Island sa Huwebes ng umaga.

Sa kabila ng kanyang taglay na lakas, ibinaba ng Pagasa ang lahat ng storm signals.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply