UAAP men’s basketball: Agawan sa Final 4 umiinit

DALAWANG linggo na lang at malalaman na ang mga sasampa sa Final Four ng nagaganap na 75th UAAP men’s basketball tournament.

Sa walong teams na naglalaban-laban, lima ang may tsansang makapasok sa semifinals habang ang tatlo ay tatapusin na lamang ang kanilang natitirang laro bago magbakasyon sa nasabing season.

Ang limang koponan na nag-aagawan sa apat na slots ay ang defending champion Ateneo Blue Eagles, University of Sto. Tomas Growling Tigers, last year’s runnerup Far Eastern University Tamaraws De La Salle U Green Archers at host National U Bulldogs.

Kahapon ay sumalo ang Tams sa Tigers sa second spot ng tambangan nila ang Bulldogs, 77-75 sa makapigil hiningang buzzer beater na ginanap sa MOA Arena.

Si 2010 MVP RR Garcia ang bumida nang isalpak nito ang kontrobersyal go-ahead layup para ilista ang 8-3 win-loss card ng FEU.

Solo sa top spot ang Ateneo na may 9-1 card habang nag-aagawan sa fourth spot ang Green Archers, (6-4 baraha) at NU, (6-5 panalo-talo karta).

Isang panalo na lang ang kailangan ng Blue Eagles para makasiguro ng upuan sa semis o kaya sigurado rin na makalalaro ang tropa ni Ateneo coach Norman Black kung matalo ng isa sa tatlong natitirang laro ng Bulldogs.

Samantala, ang Adamson U Falcons, UE Red Warriors at UP Fighting Maroons ang mga team na laglag na sa season na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply