UAAP men’s basketball: Asul at Berde magtatagpo sa semis

SAPUL pa noong 2007 ay hindi na nagkaharap sa Final Four ang maghigpit na magkaribal na Ateneo Blue Eagles at De La Salle University Green Archers.

Kahapon ay pinana ng Green Archers ang last year’s runner up Far Eastern University Tamaraws, 69-66 upang iayos ang semifinals showdown kontra sa defending champion Blue Eagles sa Sabado sa Araneta Coliseum.

Kumana si sophomore Norberto Torres ng 11 sa kanyang 21 points sa fourth quarter kasama ang 5-of-5 shooting sa nasa­bing canto upang hablutin ang No. 4 spot sa pagtatapos ng elimination round ng 75th season ng UAAP men’s basketball tournament.

Nag-ambag din ang magiging rookie of the year na si Jeron Teng ng 15 points habang may siyam si Almond Vosotros para sa La Salle.

Naghahabol ang Green Archers ng 10 puntos, 50-60 may pitong minuto pa ang nalalabi sa fourth period subalit naagaw nila ang lamang sa isang 17-0 run, 67-60 kung saan ay 38 segundo na lang ang natitira sa orasan.

Halos buong season ay nakadapo ang Tamaraws sa second spot subalit nalaglag sila sa top 4 nang talunin sila ng host National University Bulldogs, 81-84 noong Linggo dahilan upang magkaroon ng playoff para sa No. 4.

Si Terrence Romeo ang nagdala sa opensa para sa FEU na may 13 markers habang pumangalawa si Mark Bringas na may 12 puntos.

Kailangan ng Green Archers na talunin ng dalawang beses ang No. 1 Ateneo para makapasok sa Finals habang ganun din ang No. 3 Bulldogs laban sa No. 2 na University of Sto. Tomas Growling Tigers.

May twice-to-beat incentives na ibinigay sa koponan na magtatapos sa No. 1 at No. 2 spot sa eliminations.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply