UAAP men’s basketball: Green Archers tatargetin ang Fighting Maroons

ASAM ng De La Salle University Green Archers na makapasok sa Final Four kaya naman paniguradong tatargetin nila ang UP Fighting Maroons bukas ng hapon upang patigasin ang pagkakapana nila sa fourth spot ng 75th UAAP men’s basketball tournament .

Hawak ng Green Archers ang 6-4 panalo-talo baraha at nasa likuran nila ang host National U Bulldogs sagpang ang 6-5 card.

Ang panalo ng DLSU laban sa UP ay magbibigay ng kaunting paglapit sa second to third spot na inuupuan ng University of Sto. Tomas Growling Tigers at last year’s runnerup Far Eastern U Tamaraws kapit ang 8-3 record.

Samantala, isang panalo na lang ng defending champion Ateneo Blue Eagles at panigurado na silang makapapasok sa semifinals.

Dagit ng Blue Eagles ang 9-1 kartada at liyamado sila ngayong alas dos ng hapon kontra UE Red Warriors.

Parehong ilalaro sa Mall of Asia Arena ang nasabing dalawang pares ng laban.

Galing sa talo ang Green Archers noong Sabado laban sa Blue Eagels, 67-77.

Sasandalan naman ng Blue Eagles sina 7-0 Greg Slaugther, reigning rookie of the year awardee Keifer Ravena at Ryan Buenafe na pinarangalan ng UAAP press corps bilang Player of the week.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply