UAAP men’s basketball: Tamaraws hihirit sa F4

NALALAGAY sa delikadong sitwasyon ang last year’s runner up Far Eastern University Tamaraws matapos matalo kahapon sa host National U Bulldogs, 81-84 sa pagtatapos ng 75th UAAP men’s basketball tournament second round eliminations match sa Big Dome.

Natalo sa overtime ang Tamaraws at dahil sa panalo ng Bulldogs ay nagkaroon ng three-way tie sa third to fifth spot kung saan ay top 4 lang ang makakapasok sa semifinals.

Halos buong season ay hawak ng Tamaraws ang second spot habang banderang tapos sa top spot ang defending champion Ateneo Blue Eagles.

May tig-9-5 win-loss slate ang NU, FEU at De La Salle Green Archers subalit nasagpang ng Bulldogs ang no. 3 spot kaya magkakaroon ng playoff para sa no. 4.

Sa Miyerkules ang palyoff game ng Tams at Green Archers na mag-uumpisa ng alas kuwatro ng hapon na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Sinuwag ng Tams ang 77-75 win noong Set. 2 laban sa Bulldogs subalit nawalan ng bisa ito dahil sa tinugunan ng UAAP Board ang protesta ng Bulldogs na nagresulta ng replay.

Samantala, kahit bokya sa fourth period, top scorer pa rin ang Bulldog sophomore na si Bobby Ray Parks sa kanyang 27 points sa 10-of-18 shooting kasama ang nine rebounds, three assists at steal at block.

Bumakas din si Cameroonian import Emmanuel Mbe na 25 points sa 12-of-14 clip at 13 boards para sa NU, na umabante sa 71-62 lead may 6:41 sa regulation bago masingitan ng FEU ng 11-2 run na nagpuwersa ng OT.

Tumikada 25 points si Terrence Romeo habang may 13 si RR Garcia at 10 si Mike Tolomia para sa FEU.

Tangan ng Blue Eagles ang 12-2 panalo-talo karta habang ang no. 2 na University of Sto. Tomas Growling Tigers ay may 10-4 baraha sapat para makakuha ng twice-to-beat incentives.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply