UK citizens sa bansa, binalaan sa ‘Innocence of Muslim’

MAHIGPIT na pinag-iingat ng United Kingdom ang mga mamamayan nito na nasa Pilipinas laban sa mga public demonstration.

Ang babala ay kaugnay sa naglipanang kilos protesta sa ibang bansa tumututol sa kontrobersyal na pelikulang, “Innocence of Muslim”

Pinayuhan ng Foreign and Commonwealth Office ng United Kingdom ang mga mamamyan nito na umiwas sa malawakang protesta at palaging makinig sa mga iniuutos ng lokal na awtoridad.

Binalaan din ng pamahalaan ng UK ang mga mamayan nito laban sa pagpunta sa Mindanao, maliban na lang kung importante.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply