Ulirang Navy dapat tularan

PINARARANGALAN sa taunang Ten Outstanding Philippine Soldiers (TOPS) ang mga namumukod-tanging kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa kanilang abilidad, dedikasyon, pananalig, propesyonalismo at integridad.

Ang TOPS ay isang taunang search ng Metrobank Foundation at Rotary Club of Makati Metro upang gawaran ang mga sundalo ng karampatang gantimpala para sa kanilang mga bukod-tanging abilidad.

Ginanap ang huling TOPS nitong nakaraang ika-lima ng Septyembre.

Sina Navy Captain Erick Ka-gaoan, Engineman Second Class Arce Balasabas at Engineman Third Class Ricky Burgos ang tatlo sa mga ginawaran na mula sa Philippine Navy.

Bagama’t taunan ang mga ginagawaran bilang TOPS, napakalaki pa rin ng silbi ng mga ganitong uri ng paggawad hindi lamang sa indibidwal na tagumpay ng mga tauhan ng hukbo kundi para na rin sa lahat ng miyembro nito.

Ang mga ganitong parangal ang tinuturing bilang inspirasyon ng hanay upang higit na maging pursigido para sa ikabubuti ng hukbo at maging sa kapakanan ng stakeholders ng Navy.

Hindi matatawaran ang mga achievement na naiambag ng tatlo sa ating Navy at sa ating lipunan.

Sila’y magandang ehemplo na dapat tularan ng iba pa nating mga sundalo, gayundin ng mga kaagapay natin sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan sa ating kapaligiran.

Marapat ding matanto ng sambayanan na mayroong mga taong may abilidad, dedikasyon, paninindigan,
propesyonalismo, integridad at kahandaang ibuwis ang kanilang sariling buhay upang sagipin ang buhay ng iba sa oras ng mga sakuna at laban sa mga indibidwal na ‘di maganda ang mga layunin sa kanilang kapwa.

—ooo—-

Isang malugod na pagbati nga pala sa mga tauhan ng Naval Base Cavite (NBC) sa pamumuno ng ka-nilang Commander na si Commodore Leopoldo M. Alano para sa kanilang ika-35 anibersaryo noong Setyembre 12. Tamang tama ang naging tema nila ngayong taon na “Team NBC, Kaakibat sa Mahusay at Mabilis na Paglilingkod Tungo sa Matatag at Maaasahang Hukbong Dagat” dahil malaki ang papel na gagampanan nila kasama ng taumbayan para sa isang higit na malakas at maaasahang Navy sa taong 2020.

Gayundin, isang malugod na pagbati sa mga tauhan ng Philippine Navy Finance Center sa pamumuno ng kanilang Commander na si Navy Captain Primitivo P. Gopo, para sa kanilang ika-39 anibersaryo noong Setyembre 14, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply