Umawat sa away: Buntis tigbak sa taga ng bayaw

PUTOL ang dalawang kamay at nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang apat na buwang buntis nang pagtatagain hanggang sa mapatay ng kanyang bayaw sa lalawigan ng Aklan.

Target ngayon ng manhunt operation ng mga awtoridad ang suspek na si Jose alyas Tong-tong Nagamos ng Brgy. San Jose, Madalag, ng nabanggit na lalawigan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, napatay ni Nagamos ang hipag na si Jenelyn Apolinario, 21 anyos nang pumagitna ang huli sa away ng suspek at ka-live-in na si Laura Apolinario, 23, na nagtamo rin ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Lumalabas sa insiyal na pagsisiyasat ng PNP Madalag na nakisawsaw sa away mag-asawa ang biktima at tinangka nitong mamagitan subalit siya ang napagbalingan ng galit ng suspek kaya kahit buntis ay pinagtataga ito.

Nalagutan din ng hininga bago pa malapatan ng lunas sa Aklan Provincial Hopsital ang buntis na dinugo habang itinatakbo sa
pagamutan kasama ng sugatan ding kapatid.

Wala pang malinaw na motibong nakikita ang mga pulis kung bakit pati ang hipag ng suspek ay idinamay sa pag-aaway ng mag-asawa.

Inaalam pa kung ano ang pinag-awayan ng suspek at ka-live in nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply