Umiiyak pa raw: Veteran singer kumakanta sa patay para makakuha nang boto

MARAMI raw ang nagugulat sa biglaang pagsusulpot ng beternang singer sa lamay na patay para kumanta. Hindi naman daw kaanu-ano nang namatay ang singer na itetch pero kung bumanat ng kanta ay talagang feel na feel nito at umiiyak pa raw. Kahit sa burol ay talagang pinaninindigan nito ang nakasanayang pag-emote habang nagsi-sing. Hehehe!

Sabi nang nagkwento sa amin, marahil isa raw ito sa paraan ng mang-aawit na ito upang makakuha ng boto sa darating na mid-term elections. Plano kasi ni manay, este, ng veteran singer na tumakbong representante raw ng lone district ng isang probinsiya na malapit lamang sa Maynila.

Ang problema, green card holder ang ate mo at bawal daw iyon sa isang kakandidato. Isa pa’y hindi naman siya naninirahan sa lugar na iyon. Ang sinasabi niya, may building daw siyang pag-aari roon. Ang tanong, nakatira ba siya roon? Kaya isa pa ito sa magiging sagabal sa ambisyon niya.

Baka matulad siya sa isang beteranong aktor naman na inisnab ng Comelec dahil sa parehong rason.

So, kahit isang linggo pa siyang kumanta sa patay, ‘wa epek! Hahaha!

***

Relasyon nina Kathryn at Daniel isang taon na!

KAPWA hindi makapaniwala ang prinsesa at prinsipe ng primetime TV ng ABS-CBN na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nakaisang taon na ang kanilang relasyon bilang magka-love team.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumusuporta ng ‘Princess and I’ gabi-gabi. Thank you po sa pagmamahal n’yo sa love team namin,” ani Kathryn at Daniel para sa kanilang libo-libong KathNiel fans.

Mula nang unang magtambal sa youth-oriented show na “Growing Up” noong Setyembre 2011, hindi na mapigil ang sunod-sunod na tagumpay na nakakamit ng sensational love team ng “Princess and I” kabilang na ang kanilang top-rating primetime royal teleserye, pagiging trending topics sa iba’t ibang social networking sites, dinudumog na mall shows, at ang kanilang parami nang parami na endorsements.

Ngunit ayon kina Kathryn at Daniel, kapwa nila ikinagulat ang mainit na pagtanggap ng TV viewers sa kanilang tambalan.

“Akala ko po hindi magwo-work kasi po pareho kaming moreno. Usually po kasi, sa love team may isang moreno, may isang maputi,” kuwento ni Kathryn. “Kaya po parang na-challenge po kami at nag-exert talaga kami ng effort para ma-appreciate ng viewers ang team-up namin.”

Aminado naman si Daniel na sa first anniversary ng kanilang love team, na-realize niyang si Kathryn ang lucky charm ng kanyang career. “Ang dami po talagang blessings na dumating sa akin mula nang makasama ko si Kathryn,” pahayag ni Daniel na kamakailan ay pinarangalan ng platinum record award para sa kanyang top-selling, self-titled debut album. “Parang lahat ng bagay na mabubuti ay nangyayari kapag kasama ko si Kathryn.”

Maraming fans man ang umaasang maging ‘sila’ na sa tunay na buhay, nanindigan si Kathryn na mananatili muna silang magka-love team sa ngayon ni Daniel na makailang beses nang nagpahayag ng kanyang pag-ibig para sa dalaga. “Abangan na lang natin kasi bawal pa po ngayon. Bata pa po kasi kami,” aniya.

***

Bokal Michael Fermin pinagagaan ang deliberasyon sa session hall

MINSAN kaming nakapanood sa Malolos Provincial Capitol ng Bulacan nang deliberasyon ng mga bokal sa pangunguna ng kanilang presiding office na si Vice Governor Daniel Fernando. Inaasahan naming matindi ang makikita naming magiging balitaktakan sa session hall pero nagkamali kami. Enjoy palang manood sa kanila at magkakaroon ka pa nang kaalaman.

Isa sa nagpapagaan nang usapan ay si Bokal Michael Fermin. Bibo siya, matalino ngunit may sense of humor. Wala siyang hilig makipagtalo. Basta para sa kabutihan ng mga taga-Bulacan ay walang dahilan para makipag-away pa siya. Panay lang ang tawanan at madaling nasusulusyunan ang isyu.

Ang maganda pa kay Bokal Fermin, nasa loob o labas man siya ng sesyon, parati siyang nakangiti. Kahit sino kapag lumalapit sa kanya ay kinakausap niya. Pinag-uukulan niya ng panahon. Hindi katulad na iba na bantay-sarado sa bodyguards at akala mo’y artista na any moment ay pagkakaguluhan. Hindi katulad ni Michael na artistahin talaga pero hindi isnabero.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply