UNA bukas sa common candidate – Jinggoy

BUKAS umano si Senador Jinggoy Estrada sa United Nationalist Alliance para sa mga common candidate taliwas sa napagkasunduan ng koalisyon ng PDP-Laban ni Vice Pres. Jejomar Binay at ng Puwersa ng Masang Pilipino ni dating Pangulong Estrada.

Ayon kay senador, kung magdedesisyon ang anak ni Fernando Poe JR. na si Grace Poe Llamanzares, Chairperson ng movie television review and classification board na kumandidato sa pagka Senador sa darating na halalan sa ilalim ng LP, tiyak na susuportahan ito ng kanyang ama.

Sinabi ni Estrada na ganito rin ang posibleng mangyari kay Senador Francis Escudero sakaling sumama ito sa Liberal Party (LP).

Ipinaliwanag pa ng senador, tulad sa naging kaso ni Poe na wala ring naniniwala na hindi susuportahan ni Binay si Escudero na tumulong sa kanya noong 2010 Vice Presidential Election.

Samantala inindorso na nina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Vice Governor Mark Liveste ang kandidatura ni dating Las Pinas Congresswoman Cynthia Villar bilang Senador para sa 2013.

Ginawa ito ni Leviste at Recto sa harap ng may 2,000 na kabataan na dumalo sa ika 40 taon ng alay lakad na ginawa sa Batangas provincial Capitol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply