UNA full force sa paghahain ng CoC sa Lunes

FULL FORCE ang United Nationalist Alliance (UNA) sa Lunes dahil sabay-sabay na maghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) ang kanilang mga “manok” sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Atty. JV Bautista, spokesman ng UNA, ang mga senatoriable ay sasamahan ng mga tinaguriang haligi ng grupo na sina dating Pangulong Joseph Estrada, Vice President Jejomar Binay at Senate President Juan Ponce Enrile.

Nabatid na kumpleto na ang senatorial line up ng UNA ngunit sinabi ni Bautista na posibleng mayroong isang mapalitan dito.

Tumanggi naman si Bautista na sabihin kung sino ang posibleng mapalitan sa line-up.

Samantala, sinabi rin ni Bautista na magpa-file na rin ng kanyang CoC si dating Pangulong Erap para kumandidato sa pagka-alkalde ng Maynila.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply