UNA may 10 na kandidato sa 2013, Koko laglag

PORMAL nang inihayag ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na napunuan ng United Nationalist Alliance (UNA) ang sampung kandidato sa 2013 senatorial ticket, ngunit tuluyan nang inilaglag si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III.

Kasabay nito, inihayag din ni Estrada na inilaan ng UNA ang huling dalawang slots kina Sen. Francis “Chiz” Escudero at Grace Poe, kasalukuyang chairman ng Movie Television Ratings and Classification Board (MTRCB) at anak ni yumaong national artist Fernando Poe Jr.

Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Estrada na nakatakdang ihayag ng UNA ang opisyal ng line-up nito sa mga susunod na araw at hindi na kasali si Pimentel sa senatorial ticket.

“Yes, napuno na namin ang 10 slots,” ayon kay Estrada.

Ayon kay Estrada, kabilang sa sampung kandidato ng UNA sina dating Senador  Ernesto Maceda, Juan Miguel Zubiri at Richard Gordon, sina Senador Loren Legarda at Gregorio Honasan, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, San Juan Rep. JV Ejercito, Cagayan Rep. Jack Enrile,   Cebu Governor Gwen Garcia, at  Joey de Venecia.

Ngunit, sinabi ni Estrada na inilaan ng UNA ang huling dalawang slots kina Escudero at Poe dahil umabot lamang sa sampu ang nasamsam na kandidato ng grupo.

“There is a pending offer to Chiz to join UNA. Kasangga naman and friend of (Vice President Jejomar) Binay,  and a friend of Senate President (Juan Ponce Enrile). He (Chiz) is acceptable to UNA, it is up to him to decide, but right now we have 10 official bets,” ayon kay Estrada.

“It is up to Chiz to run under LP or UNA banner. But we will accept Chiz to run under UNA,” giit pa ng senador.

Para naman kay Grace Poe, sinabi ni Estrada na susuportahan siya ng UNA dahil malapit siya kay dating Pangulong Joseph Estrada  kaya aampunin siya bilang adopted candidate. “And most probably, if and ever Grace decides to run under LP, UNA might decide to adopt her as a common candidate.”

Inihayag pa ni Escudero na hindi isinama si Pimentel sa official candidate dahil may problema sila ni Binay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply