UNA tiwalang lulusot ang mga ‘manok’

MALAKI ang tiwala ng United Nationalist Alliance (UNA) na madodominahan ng kanilang kowalisyon ang senatorial elections sa 2013.

Ang malaking bahagi ng kowalisyon ay manguna sa nationwide survey ng Pulse Asia ang pito (7) sa 12 kandidato ng UNA para sa naturang halalan.

Ayon kay dating Pangulong Joseph Estrada, Senior Leader ng UNA, patunay lamang ito na malakas ang kanilang kowalisyon.

Base sa survey, nanguna sina Senators Loren Legarda; pumangalawa si Francis Escudero; pumasok sa ika-apat na pwesto ang anak ni Erap na si San Juan Congressman JV Ejercito Estrada;

Pasok din ang anak ni Senate President Juan Ponce Enrile na si Cagayan Representative Jack Enrile sa 5th place; Senador Gringo sa 6th place; dating Senador Migz Zubiri sa 9th place at anak ni Vice President Jejomar na si Nancy Binay sa 12th slot

Dahil dito walang kaduda-duda na malaking bilang ng mga kandato sa UNA ang inaasahang mangunguna sa 2013 elections.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply