Unang medalya pakay ni Medina

KAILANGAN na hatawin ni Josephine Medina ang panalo laban kay Josefin Abrahamsson ng Sweden upang makopo ang bronze medal sa nagaanap na 14th Paralympic Games women’s table tennis class 8 sa Excel North Arena 1 sa London mamayang madaling araw.

Nabigong makipagluan ang 42-anyos na si Medina para sa gold medal ng matalo ito kay Khu Kamkasomphou ng France, 3-0 (3-11, 3-11, 8-11).

Ang panalo ni Medina ang unang medalya sa siyam na differently-abled na ipinadala ng Pilipinas.

Bago nakapasok sa medal zone si Medina ay natisod muna ito sa day 1 first match kay Jingdian Mao ng China, 0-3 (7-11, 6-11, 9-11 sa 4-player Group B matches subalit bumangon agad ito nang paluin ang 3-0 win (11-4, 11-6, 11-9) laban kay Jane Rodriguez ng Brazil.

Sumampa sa semifinals si Medina ng talunin nito si Aida Dahlen ng Norway, 3-1(13-11, 3-11, 11-7, 11-5).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply