UP kampeon ng 2012 Samsung-UAAP Cheerdance competition

MULI na namang itinanghal na kampeon ang University of the Philippines (UP) Pep Squad sa katatapos na 2012 UAAP Cheerdance competition na idinaos ngayong hapon sa SM Mall of Asia Arena.

Sa loob ng tatlong-sunod-sunod na taon, ang UP Pep Squad ang itinanghal na kampeon matapos maghari rin noong nakaraang taon (2011) at noong 2010. Ito rin ang ikawalong korona ng state university sa nasabing kompetisyon.

First runner up naman ang Far Eastern University habang second runner up naman ang host National University.

Naibulsa ng FEU Cheering Squad ang P200,000 at tropeo mula sa Samsung at UAAP.

Bukod sa trophy, tumataginting na P300,000 at cell phone mula sa Samsung ang naiuwi ng kampeon na UP Pep Squad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply