UPDATE: 127 aftershocks naitala ng Phivolcs

TINATAYANG 127 aftershocks na ang naitatala makaraan ang pagyanig ng lindol na may  magnitude-7.6 sa Eastern Visayas kagabi.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong umaga, makakaramdam pa ng mga aftershocks na tatagal pa ng ilang linggo.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, Jr., maaaring maramdaman ang mga aftershocks anumang oras ngunit pinaalalahanan nito ang publiko na huwag mag-panic.

“Noong February, may magnitude-6.9 sa Negros, libo ang aftershocks after several weeks. Inaasahan natin maraming pwedeng aftershocks pwedeng mangyari (We have so far recorded 127 aftershocks. If we go by the thousands of aftershocks felt after a magnitude-6.9 quake last February, we can expect aftershocks in the coming weeks after Friday’s quakes),” ayon kay Solidom sa kanyang panayam sa radio bandang alas-5:00 ng umaga.

Pinayuhan din nito ang mga local government na pangalanan ang mga lugar na nasa mataas na lugar kung saan kailangang lumikas ang mga residente kung magkakaroon man ng malakas na pagyanig.

“Isipin natin (ang aftershock) pabigla-bigla. Importante maging mahinahon ang mga tao,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Solidum, maaari ring mas malakas pa ang mararanasang aftershock sa naunang unang pagyanig kagabi.

Naramdaman ang pagyanig kagabi na may Intensity VII sa Guiuan, Oras, Sulat, Borongan City, Eastern Samar; Tacloban City; Intensity VI: Siargao, Surigao del Norte; Saint Bernard, Southern Leyte; Intensity V: Mati City, Compostela, Legaspi City, Iloilo City, Bislig City, Iligan City, Davao City, Cateel Davao Oriental, Roxas City, Capiz.

Habang Intensity IV sa Butuan City, Catbalogan City, Cagayan De Oro City; Dipolog City; Manukan, ZN; Polanco, ZN; Tagum, Davao del N., Digos City; Dumaguete City; Bacolod City.

Intensity III sa Cotabato City, Mambajao, Camiguin, General Santos City; Dao, Capiz, Dingle, Iloilo; Kidapawan City; Jaro, Iloilo; Daet, Cam. Norte; Binalbagan Neg. Occ.; Sindanga, Zamboanga del Norte.

Intensity II sa Marawi City, Sipalay City, Hinigaran, La Carlota La Granja, Neg. Occ. at Cebu City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply